Make your own free website on Tripod.com
1.  Minsan nag-lalakad ako, nakakita ako ng 75 pesos.  Grade 2 ako nun, kya lang may kasama ako, pero di ko sya binigyan.... Sana hindi sya nagtanim nang sama ng loob kasi noong panahong yun, malaking bagay na yun!!! meron kanang "Pom-poms" na cheeze curls, 50 cents lang isa nun.  Tapos madaming laruang toy figure yung free sa mga kukuting lasang goma, tapos lalaban ka sa mga bata, ubusan ng laruang robot.  Naaalala ko pa nga meron umiyak dahil naubos yung laruan nya, binigyan ko nalang kasi baka makita yun ng nanay ko ibato pa sakin yun... Pero magaling naman ako umilag e, kaya ok lang.  Balik tayo sa robot, alam nyo ba na pag ang pamato mo ay magaang ang timbang, hindi daw yun magalin sabi ng pinsan ko... Kaya kumuha ako ng tansong wire yung sa kuryente, tapos itinali ko sa pamato ko.  Hala ang bigat na, sabi ko sa sarili ko "ayos magaling na ang robot ko".... Nanalo naman ako, kaya lang pagkapos ng laro, ibinabalik ko yung robot ng kalaban, baka kasi umiyak magsumbong pa sa tatay.  E kung umiyak din yung tatay nun e di nakakahiya pa di ba? Ngayon napag isip isip ko, wala pala sa timbang yun ng robot, kasi nun limaki na yung kapatid ko, naglaro kami nun, dapat pala magaling kang mandaya.... "sorry bro"..  Loko talaga yung pinsan ko ahhhh..  Biruin mo sabi sakin lahat daw ng mabigat ay magaling..

  Yung wire nga palang kinuha ko, sa ekstensyon wire ng ilaw sa banyo, kaya nung gabing yun tiniwag ako ng kalikasan, hala kandila ang gamit ko habang may sermon sa labas.

2.  Naaalala ko pa, yung lola ko nag titinda ng fishballs sa labas ng bahay nila.  Syempre lola ko yun kaya libre ako, ang lakas ko nga kumain, pero hindi ako nagamit ng maanghang na sauce!!!  E kung maanghang nga yun di ba, e di hindi ako nakakain.  Pero alam nyo naman, hindi makakatulog si makoy ng di yun natitikman..... Kaya eto na, sige maanghan nga, and take note may sili pa, di ko naman yung pala ang nag papaanghang nun e.  Kaya ayun ubos ang tubig sa ref.,, galit ang tita ko.  Kaya form that day, puto bumbumng nalang ang kinakain nun.  hehehehe di pa uso QWEK-QWEK nun...
3.  Meron kaming tanim na atis sa likod  ng bahay, ang problema kailangan ko pang umakyat ng bubong namin para lang makakuha nun.  Tapos dun ko narin kinakain kasi mapapagalitan ako ng lolo ko pag nalaman nyang kinuha ko na naman yung atis na ilang linggo nya hinintay mahinog.  Pag katapos ko kumain tatanungin ako nun, alam nya kinuha ko na naman yung atis nya, kasi yung mga buto daw tumutunog sa bubong pag nahuhulog. hahahahaha, Lam nyo ba kung ano ang naisip ko that time? "Sana wala nalang buto ang atis"
4.  Liga ng basketball!!! Bakasyon syempre kasali ako, ako pa....  Isa ako sa pinaka bata nun, half court nga lang e, tapos lupa pa yung court kaya maalikabok, imbis na lumakas yung katawan mo e hihikain ka pa pagkatapos ng laro.  Problema ko, hindi ako inapasok ng coach kasi nga daw bata pa ako, ang sama pa nito, uutusan pa ako bumili ng yelo para sa inumin ng players, anak ng teteng naman.... Di na nga nakalaro di pa nakapanood suya naman.....  Pero ok lang kasi pag nananalo kami may sopas na pagkain na handa yung manager namin, ok di ba? Syempre pagod na sila kaya ako nauuna sa kainan, pero pag talo naman masuwerte na yung may tubig na malamig at pandesal na parang bola ang kunat.  Minsan naiisip ko, sayang lang yung uniform ko kasi naman hindi manlang napawisan yun, pero one time hinila ako ng coach ko, e di sinahod ko agad yung kamay ko, akala ko kasi bibili na naman ako ng yelo... Hindi pala, papasok na ako!!! Yun pala aakayin yung nadapang kasama ko, putsa nakita pa tuloy ng tao na kasali ako.  Pero kahit ganun oks lang naman, dahil tatanda rin yung mga kakampi ko, mawawala at ako na yung papalit diba?  Ganun pala talaga, lahat napapalitan......
5.  Ang gustong-gusto ko nun bata pa ako ay manood ng tao, wierdo no?  Opo yun talaga, sa labas ng trangkahan ni lolo may isang mahabang upuan, dun umuupo yung mga tambay na walang ginawa kundi magpalakasan ng tunog ng puwit nila.. (utot) hahahaha,... ang tawag sa tambayan nila ay ututen.. Kaya habang lumalaki ako, polluted na yung hangin sa paligid ko.         

      Meron namang tao na lagi akong niloloko.  Meron daw barya sa lupa kaya ako naman hanap ng hanap, yung totoo wala pala.  Meron naman tao siguro araw araw nalang lagi nyang tulak tulak yun kariton nya, maghapon yun, suguro mga sampung balik yun.. Sabi ko nga sa lolo ko, "tay, bakit ba ayaw nalang sumakay ng taong yan sa kariton nya?"

6.  Pagkatapos umulan pumupunta ako sa tabing sapa, syempre malakas ang alon diba?  Maliligo kami ng mga kababata ko, minsan nangunguha kami ng talangka.  Nakatira sila sa loob ng lata ng sardinas, buti nalang nagtatapon sila dun ng basura, dahil kung hindi, malamang walang matitirahan yung mga talangka.  Masarap yun kainin lalo na pag bagong luto, merong malaki may maliit syempre unahan nalang kami ng barkada ko.  Natatandaan ko pa nun, merong napurunggo sa tubig, hala ang laki ng sugat, suggestion ko nga lagyan ng lupa para matakpan yung sugat, nagalit yung prend ko, pero totoo seryoso ako nun!!!
7.  Kayo ba pag malapit na ang pasko nag sisimbang gabi?  Ako noon ganun, gigising ako ng maaga tapos maliligo, ang lamig ng tubig kasi sa labas ako naliligo, ganun daw talaga pag lalaki ka, sa labas ka maliligo sa tabi ng poso.  Buti nalang puro NAWASA na ngayon!!!  Pagdating ko ng simbahan syempre doon ka uupo sa malapit sa altar para madinig mo yung pari, kunyari....  Pero mas maganda sa likod ng upuan, yung tipong nakatayo ka. Hayy, kitang kita mo yung pag hikab ng mga tao, yung iba halos mapunit na yung balat ng mukha sa pag-buka ng bibig, meron naman yung iba medyo pa sosyal pa.  Pero alam nyo ba ang dahilan ng pag hikab ng tao???  Hindi no?  Ako alam ko!!!

     Alam nyo ba na kulang kayo sa hangin pag humihikab kayo?  Senyas yun mula sa utak nyo para huminga kayo ng malalim at mabigyan ng sapat na hangin yung katawan nyo kasama na yung utak nyo po!!!  Paano naman pag hindi ka humuhikab?  Dalawa lang ang ibig sabihin nun!!! UNA: Sapat ang hangin nyo sa utak at katawan, PANGALAWA:  Wala kayong utak para magsenyas na kulang na ang hangin nyo sa katawan.  TAMA?

      Balik tayo sa simbang gabi...  E bakit naman po pag humikab yung isang tao e parang nakakahawa?  Lam nyo po, tuwing simbang gabi inoobserbahan ko po yan, una, kasi, masyadong masikip yung simbahan para sa nag sisimbang tao, kaya kulang yung hangin.. At syempre ito yung dahilan ko....  Diba malamig tuwing Disyembre?  Yung iba hindi na naliligo, e kung ikaw yung katabi nun? Diba hindi ka masyadong hihinga?  AYUN e di kulang ng hangin ang utak at katawan mo.  Tapos pag nakakita ka pa ng taong humihikab, di ba tatakpan mo yung ilong at bibig mo po? bakit kaya?  Kasi akala mo hindi yung nag toothbrush, so hindi karin hihinga... magkukulang karin ng hangin d ba?  Kaya wala yan katapusan!!! Kaya pala yung iba natutulog nalang sa simbang gabi,...... alam ko na!!!,, Para hindi nila makita yung mga taong hikab ng hikab!!! sana may naiinom na hangin no?

8.  Pag wala ka palang pera, lahat gagawin mo po para lang magkaroon ka.  Merong magtitinda ng kung ano-ano, may mang hihingi nalang sa kung kaynino. Pinoy nga talaga!!!  Pero ako iba, naglinis ako ng pampasadang jeep para lang mag kapera.  Ayaw kasi akong ibili ng nanay ko ng wallet na maong noon, yung may tatak na Wrangler!!!  Kasi yun yung uso noon, opo!!! Pag hindi ganun pitaka mo hindi ka "IN"...  Kaya ayun naglinis ako ng jeep kasama ko yung dalawa kong prend, yung isa ang dala walis, ako basahan at timba at yung isa sabon.  Matagal din kami naglinis nun, halos buong bakasyon nga po yun...  Pag nakikita nga kami ng kakilala namin nahihiya kami..  Minsan masungit pa yung may ari ng jeep tapos barat pa..  Pero alam nyo kung ano yung natutunan ko dun?????.........  Hindi pala mahalaga yung wallet, yung laman pala ang mas mahalaga... Yung pitaka pala parang tao no?  Merong maganda, may luma na "yung yung mga gurang", may leather, yun yung makukunat!!!  Meron ding puro papel lang ang laman, may picture yung iba.. At higit sa lahat, gaya ng tao, may pitakang walang laman...