Make your own free website on Tripod.com
1.  Grade 1...  First day ko nun sa school, yung teacher ko syempre hindi ko kilala... Araw araw pag papasok ako lagi akong may dalang roses para sa kanya.  Kasi yung nanay ko lagi namimitas ng bulaklak tuwing umaga, ako naman syempre dinadala ko, ibigay ko daw sabi ng nanay.  Araw-araw yun!!!  Ang tawag ng mga kaibigan ng tatay ko sakin pag nag lalakad ako nun pauwi ay "attorney", nung panahong yun di ko alam kung anong ibig sabihin nun!!!  Kaya pala ganun tawag nila sakin kasi yung bag ko parang lawyer ang dating... kulay gray at take note, may pangalan ko pa!!! Buong grade 1 yun ang bag ko!!!  Syempre meron din akong lunch box, pero hindi naman lunch ang laman nun, snack lang!!!  Kaya nag-tataka ako kasi nga lunchbox ang tawag pero hindi naman tanghalian ang laman!!! Hay ang school talaga minsan mali ang itinuturo no?

     Wala naman masyadong nangyari sakin nun grade 1 ako, ay meron pala isa hindi ko makakalimutan!!!  Yung klasmeyt kong girl, nag kalat ng lagim sa school, biruin mo ba naman, sa kalagitnaan ng klase may humlimuyak na di-kagandahang amoy!  Yun pala may bomba nang sumabog!!!  Nakakainis, lahat tuloy kami lumabas tapos dahil nga siguro kilala ako ng teacher dahil di ba lagi akong may dalang flowers sa kanya, isa ako sa nag-hugas nun desk na may U...U.... Pahamak pa tuloy yung pag bibigay ko ng bulaklak!!!

     Hanggang dumating yung recognition namin, akalain mo ba namang pangalawang karangalan ako? (2nd) sa grade 1, alam mo ba ang sinabi ko nun after ko malaman?  Ano po yun ma'am?  Di ko naman yun alam, kasi ang akam ko lang na ginagawa sa school ay mag-aral, maglaro at kumain ng laman ng luncbox ko.

     Ang sarap balikan yung panahong yun!!! Kasi di naman ako pumasok ng prep at daycare, di pa yun uso nun!!!  Mayayaman lang ang nakakapasok dun...

2.  Grade 2, First week, nag CR ako... Takbo ako pabalik ng room ko, kasi nga unang araw yun e, pag pasok ko po, nag tataka ako????  Bakit iba na ang kaklase ko? Hala!!! paano nangyari yun e saglit lang ako nawala... Kinakabahan na ako po....  Hindi ko na natiis, nag-tanong na ako sa teacher ko....  Ma'am, nasaan na po yung mga klasmates ko????  Matagal bago nakasagot ang guro ko..... "Di ba grade two kana totoy?"  Ay oo nga pala.  Mali hehehehe... yung dating room ko pa pala yung napasukan ko... badtrip naman.. Comedy pa ako.

      Dito ko rin unang naranasan ang makipag away sa klasmate ko.  Hinamon ako ng suntukan, aba edi lumaban naman ako!!! Ano ako duwag?  Sinuntok ako ng isa sa tiyan, tapos ang boxing!!!  Hindi ako nakahinga, isa lang ang nasabi ko, "ubig" tubig yun!!!  Cyempre, kailangan kong bumawi, after ne week... Ako naman!!!  Suntukan kami to the max, hanggang sa tinamaan ko rin cya sa tyan, sipa naman! hahahaha.. panalo ako, iyak cya...  Pero naawa ako, ikinuha ko naman ng tubig.  Nung grade 2 ako naranasan ko rin mapalipat ng seksyon kasi nagkasakit ang adviser ko kaya inilipat kami sa ibang seksyon.  Naku yung nalipatan ko po, nangtatanggal ng shorts pag maingay ka sa klase!! Lagi kasi naalis ng room tapos may tagalista lang ng mga maiingay, kaya ako nun super behave.....  E kung mahubuan ako nakakahiya yun ha!!!  Dito ko rin natuklasan ang talent ko sa pag drawing, una mapa lang ng Cavite, tapos poster making contest na then madami pang kontest!!!  ako naman sali ng sali syempre libre yung crayola dun tapos may pagkain pa. Dito ko rin unang naranasang ibili ako ng tatay ko ng bagong sapatos, kasi walang trabaho nun si tatay kaya namamasada lang sya ng jeep... Pag parada ng jeep nya sa tapat ng skul ko, tinawag nya ako, nakita nya ako takbo ng takbo walang sapin ang paa, tapos pinasukat nya sakin yun sapatos, nye masyadong malaki!!!  Sabi ko ta, bakit malaki po?  "Talagang ganyan yan para matibay, at para hindi sumakit yung paa mo..."  OK sabi ko, masarap tumakbo nito... sapatos ko nun yung may spike pang baseball pala yun.

3.  Pangatlong baytang, aba medyo dumami yung subjects ko, anim na sila!!!  May Science na at PE,Health and music (sama-sama ito ha kaya considered as one ok!!!)  Dami naring aklat at notebook, alam nyo naman di ako masyadong nag aaral at nag susulat ng lecture noon, (hanggang ngayon naman po)  Ang laki tuloy ng bag ko, luma pa naman yun, oo nga pala nung grade two ako may bago akong bag, galing sa pinsan ko, bago yun sakin pero yung totoo luma na yun.  Spiderman ang tatak nun!!!  Kaya lang mahina na si Spiderman, yung bag.  Baka bumigay na yun, kaya di ko lagi dinadala iniiwan ko lang sa room.  Tapos may laruan yun sa loob, yung pianong maliit na may buttoncell, nawala may kumuha!!!  Nagalit ako dahil kilala ko yung kumuha, sa galit ko itinapon ko yung bag nya sa bubong, warfreak talaga ako no?  Hindi na nya naibalik sakin yun...  Bigay pa naman yun ng pinsan kong bihira ko lang makita nun panahong yun...  Lagi ako ngalalaro nun ng agawan ng base, ang kalaban namin ay yung kabilang seksyon takbo lang ng takbo.  Syempre yung sapatos parin na binili ni tata yung gamit ko.  Matibay nga...
4.  Grade for, may bago ulit!!!  May lipatan na ng room, excited ako nun kasi iba-iba ang mga teacher per subject namin, bago rin yung ibang kakalase ko at higit sa lahat, yung mga notebooks at bag ko lahat bago po!!!  Kasi may work na si tata at si mama naman nag work na ulit kasi malaki na yung brother ko, kaya lang puro bulaklak ang cover ng notebooks ko.... in short pang babae yun!!! Pero ok lang po wala naman sakin yun.. kahit na ano pa yung cover, mahalaga may masusulatan ka....  Boyscout na ako, at cyempre may camping kami sa loob ngalang ng school..  Maganda po may program, may kainan at malaking apoy!!!  Matutulog na kami nun, kaso hindi ako makatulog kasi ang daming magulang na nagbabantay sa mga anak nila, bakit kaya di nalang sila sumali no?  Kaya sa inis ko, u,iwi nalang ako kasi nasa tapat lang naman ng school yung bahay ng lola ko..  Bumalik nalang ako nung umaga na, di pa ako puyat, nakapanood pa ako ng TV.  Ang hindi ko talga makaklimutan ay sa wakas natuto narin akong gumamit ng library...  Ang dami palang aklat dun no?  may pang bata, may tungkol sa langgam, meron para sa buntis at may malaking globo!!!  ahhhh yun pala ang earth?  nagulat nga yung librarian kasi ang binabasa ko is yung Atlas na book.  Anong masama dun diba?
5.  Gagraduate na ang ate ko, grade five naman ako.  Ahead kasi sya sakin ng one year, bago ulit ang gamit ko, lahat pati notebooks...  Ang nakakatawa ang cover naman ngayon ay yung mga artista sa That's Entertainment" ayan, kulang nalang yung T-shirt ko may tatak nang mukha ni kuya Germs... Meron akong natutunang bagong laro, "ang sipa" .....  Kaya lang napasobra ata ako ng sipa nun kaya sumampid ng bubong, inakyat ko tuloy.. Kaso pag baba, nahulog ako at nabalian ng paa.  Dapat hindi mahalata sa bahay, tiyak may mababali na naman pag nalaman ni nanay.... yung walis tambo namin, mababali yun kahahataw sakin...  Grade 5 din ng nalaman kong ako nalang pala sa mga lalaki ang naka short pag pumapasok ng skul, lahat sila naka jeans na.

      Pagdating ng grade 5, naramdaman kong eksakto na yung sapatos na binili sakin ng tatay ko nung grade two pa ako, matibay nga at ok parin isuot...  Pero alam ko na kung bakit yun malaki nun binili, para pala matagal kong magamit, kasi nga walang pera nun si tata,  ngayon naiintidihan ko na....  Matagal din yung buhay ng sapatos na yun, nagamit pa nga yata ng kapatid ko e..  Ngayon talaga naiintindihan ko na po... Salamat tata!!!

6. Ayan matatapos ko na ang elementarya, last year, last Xmass party at closing party ko na ito sa elementary.  Natatandaan ko pa nun, ako ang tagadala ng mainit na tubig ng teacher ko pag umaga, kasi ako yung pinakamalapit na bahay.  Araw-araw yun, kasama na sa  gamit ko pag pasok ang mainit na tubig ni ma'am.  Pero lagi naman akong may brownies galing sa kanya.  Madami akong naging activities nun, ako rin po yung naging taga ayos ng garden ng skul, kaya tuwing sabado at linggo nag didilig ako dun...  Madaming nakukuhang gulay dun, kaya ok nakakapag uwi ako ng konti...  Salamat sir!!!  Tumakbo din ako sa student council for vice-president, talo nga lang...  Higit sa lahat ako yung naging SPL, <senior patrol leader>... Pinaka mataas sa lahat ng boy scout sa school namin.  Nakarating panga ako ng Mt. Makiling nun, di ba sosyal?  Yun ang totoong camping!!!  Daming tao dun, tapos may mga adventures pa kami, araw araw naglalakad ng malayo, kaya tuloy sunog ang balat ko nun...

     Masarap maging bata, walang intindihin at responsibilidad.  Bakit noon, lagi ko sinasabi sa sarili ko, sana malaki na ako para madami akong magawa na di kayang gawin ng bata....  Dati gusto kong mag bike sa kalsada, gusto ko rin bumyahe ng malayo at kung ano-ano pa....  Sa elementarya ko rin nakita ang sarili ko sa kapatid ko, kasi nasa kinder sya nun, grade six naman ako...  Pag naglalakad nga sya natatawa ako, kasi yung bag na ginagamit nya galing pa sakin yun!!!  Medyo malaki ngalang kaya pag naglalakad sya, minsan sumasayad sa daan...

    Matatapos na ako, eto naman ang kapatid ko mag sisimula ng bagong serye ng buhay nya...  Nakakatuwa diba?  Alam mo na yung gagawin nya pero kahit ganun, inaabangan parin natin... Sabay kami nun graduation, sya sa kinder ako grade six, gulat nga ako honor ako!!!  Pang anim, syempre may medal yun...  Kaya lang gustong isuot ng kapatid ko kaya sa kanya ko nalang isinabit, meron nga kaming picture nun e..  Nasa photo album ko.

    Napakadaling matapos ng anim na taon, saglit lang pala yun...  Iiwan ko na ang school ko, lilipat ng bago..  Pati kaklase ko lahat yun tyak bago.  Halos lahat ng alaala nakasulat lang sa hangin, pipitasin mo nalang kung gusto mong damahin...