1. Bagong bahay, bagong kamag-aral, bagong gupit ng buhok, bagong sapatos, slacks, polong puti, medyas at salong <><><><>.... Mag sasawa ka sa bagong mukhang nakapalibot sayo, sa mga taong nakatingin sa hitsura mo at mga gurong di mo kilala ang hugis ng pagkatao. Buti nalang ang adviser ko kapibahay pala namin. Sa wakas may kilala ako sa paarlang yun. Laking gulat ko ng kaklase ko pala ang kaibigan ko nun elementarya, pareho kami ng section. Sya si Atut... Basta yun ang tawag ko sa kanya, mabait at maaalaning kaibigan. Medyo payat ngalang. Lagi kaming sabay umuwi, angkas ko sya sa BMX ko na bigay ng pinsan ko, kinumpuni lang ni tata at pininturahan ng maganda, ayan brandnew na!!! Hinahatid ko pa si atut sa bahay nila, medyo malapit lang naman yun. Tuwang-tuwa ako nun kasi sa wakas malayo na yung pinapasukan kong skul, di tulad ng dati tatawid lang ako ng kalsada, paaralan ko na. Mataba lang ako ng konti kay Atut noon, kaya nung may nakaaway ako sa skul namin hindi ko na sya sinama, baka kasi kung mapaano pa sya. Ang laki nung nakaaway ko, tapos may mga kuya pang kasama.. Ano bayan, parang ang laki laki ko naman at nagsumbong pa!!! Syempre, ako pa... E di umiwas ako, ako yata ang taong ayaw ng basag ulo no, at halata namang dehado ako dun... Mula nun, sa likod na ako ng paaralan dumadaan hanngang sa nawala nalang yung nag aabang saking... Masarap palang maging high-school, freshmen ang tawag samin, kasi daw bagong salta kami sa high school. Mas madaming okasyon sa mataas na paaralan, intrams, Linggo ng Wika, basta madami... Halos lahat ng mga kamag-aral ko ay puro matatalino, halos lahat may honor noong elementarya, kaya naman pala ganun sila, lahat yata gusto top 1. di naman yata pwede yun di ba? Nakakamangha sila kung mag exam, yung iba isa lang ang mali, yung iba naman wala tapos masama pa ang loob nun!!! Ako nga makapasa lang ok na. Madami din akong naging kaibigang guro, lalo na si sir Noel, na walang pagod ang bibig sa pag kukwento ng kung anu-ano. Dati syang semenarista pero ulalis sya at nagturo nalang. Halos araw-araw pinipisil ang pisngi ko, tapos sasabihing ang pangalan ko daw ang haba, Mark na Steve pa... Dun ko rin nakilala si Juan, ang taong di nauubusan ng patawa... Titingnan mo lang tatawa kana, hawig nga ni Lhong yun artista... Sya naman ang kalaro ko sa sipa, wala kasing sustansya sa katawan si Atut para sa ganung laro. Masaya ang unang taon ko, puro bago lahat, madaming nakilala... Parang bata ang katayuan sa paaralan, lahat ang tingin sayo totoy na walang muwang sa mundo. Pero kahit ganun, alam ko lilipas din ito, pagkatapos ng apat na taon.... |
2.
Second year na ako, pero napunta ako sa lower section, sabi sa inyo ang
tatalino ng mga kaklase ko nun e. Nakakatakot dito sa lower section,
araw araw may habulan ng tubo at batuhan ng malalaking bato. Pero
nasanay din ako. Dito ko naman nakilala ang mga mukhang sangganong
estudyante. Sina Ogo, Ruel, Breve at si Jay na hari ng chessboard sa
paaralan. Kahit yata teacher ay tinalo na nya sa larong iyon.
Mas totoong tao pala yung mga nandito, walang halong pag papanggap at
pagmamataas... Sa lugar na ito, ang magaling magsagot sa exam ay
anak ng diyos. Lahat sayo nakatingin at nakaabang kung kelan ka
susulat ng sagot sa test paper mo, lahat may kanya kanyang trabahong
nakaatang, yung subject na ito para kay ano, ito naman kay ganyan at ang
natitira kay Makoy. Tama, dito....dito ko nakita ulit ang sarili ko bilang
mag-aaral, kasi dito ko rin unang naranasang bumagsak sa isang grading
period... Kaya sa pagkakataong ito, dito ko napatunayang kaya ko
palang mag-aral na gaya ng isang estudyanteng kagaya ng nasa start
section... Sa panahong ito naging mataas ang marka ko, pero kahit na
ganun, hindi ko pinabayaan ang mga kaklase ko.... Parang ang hirap
tanngapin na makakapasa ako, yung karamihan hindi.... Nasaan ang
talino doon kung sa sarili molang ito nakita? Napakasarap makarinig
ng "salamat teban" habang lumalabas ng classroom. Doon
ko naramdaman ang totoong pagtanaw ng pasasalamat, kahit nga yung medyo
hindi nakapasa pero natulungan mo, nagpapasalamat din.... Meron din naman akong kalokohang natutunan dito, ito yung pag yoyosi... Nung una tikim lang, hanggang sa..... bigla nalang.... AYAW kona!!! Isang linggo lang yun, wala talaga sa sistema ko ang manigarilyo... <Government warning, cigarette smoking is dangerous to your health> ganyan ang makikita ninyo sa TV di ba? Maliit na warning.... Parang ayaw talaga nila ipaalam di ba? |
3. Third year, hinanap ko yung mga kaklase ko nung 2nd year pa ako. Sabay-sabay namin hinanap ang room namin, pero teka lang..... Wala ako sa listahan kung saan nandun sila, baka nagkamali lang.... Hindi pala, balik start section si Teban...... Ok lang kasi kilala ko na naman yung mga nandun, dito kona nakilala ang mga permanente kong kasama sa hayskul, yung mga barkadang laging may hawak na gitara... Sa ilalim ng puno nandun ang kantahan... Nag-aaral habang nag kakantahan... Dito ko natutunan ang mag hati ng oras ko, madali lang pala.... Ang ayaw kolang po ay nauso yung Student Digest na binibili namin ng 5.OO ang isa, tuwing Lunes yun ha, tapos compile pa namin... Lagi rin kami nasisita dahil laging mahaba ang buhok namin, ginagaya kasi namin yung mga banda noon at yung hairstyle nila... Syempre dito sa panahong ito, medyo may sungay na kami.. Tuwing breaktime namin, bawal ang lumabas ng skul, dun ka lang sa canteen bibili ng paninda, e ang pangit namang po ng lasa!!! Kaya natutunan naming mag-over the bakod, ok pala yun!!! Para kaming mga preso na kapag nakalayo na sa bakod ay mistulang malayang ibon na sumisigaw (Yehey kakain tayo ng tapsilog, o kaya kanin at giniling na karne at ang pinaka masarap, ang "bitlog") <binating itlog yun> Syempre first time ko rin sa JS, kinakabahan ako nun!!! Paano kung wala akong maisayaw? Paano kung yung mga kaklase ko madaming kapareha ako wala? Hirap no? Buti nalang po live band yung naarkila ng skul, aba kahit wala ng sayaw pa!!! Dun nalang ako nakatutok, nakakatuwa nga yung isa sa kaklase ko, yung tatay nya ay isa sa combo na tumutugtog.... niloloko tuloy namin. Pero d nagtagal, may naisayaw narin ako, wonderful Tonight pa nga yung tugtog e. Then uwian na po, ganun pala yun? Feeling mo, binata kana pagkatapos nun!!! Kaya pala masaya ang hayskul. First time!!! |
4.
Final year na po!!! Cool na cool ang adviser ko, mabait na matalino
pa.. Isa sya sa nag mulat ng mata ko sa pag papadali ng mga
bagay-bagay... Pareho nga naman timbang ng magaang at ng magaang?
Hahahahaha isipin mo kung bakit? Dito narin nagkakulay ang banda
namin, may gitara na kami, kanya kanya... Ako, si Zeus, Eric at
Zaldy... IS band.... Maganda naman ang ginawa namin sa skul, yung pader na
nilalaktawan namin, di na namin yun tinatalunan!!! Kasi natumba na,
kaya dinadaanan nalang namin.... Ang di namin malilimutan ay yung
mapatalsik namin yung pricipal, kasi yung pondo daw ng skul...
Kaibigan namin yung president kaya all the way kami sa support, tipong
walang pasok, nakaharang lang sa gate ng school at may hawak na banner!!!
Isang Linggo rin yun... Tapos meron palang NSAT, at dapat daw mataas
ang grado mo dun, ano yun???? Kailangan ba yun sa trabaho?
Meron pa palang college? Akala ko mag tatrabaho ka na pagkatpos mo
ng hayskul? Hindi pa pala? May kolehiyo pa pala? Bakit
ganun? Mag aaral na naman? Kaya pala ang ate ko napasok parin
kahit tapos na ng hayskul..... Nakatapos din ng exam, di ko nga sure
kung pasado ako, basta ang alam ko ako lahat nag sagot nun....
Again, may JS ulit, at kasama ako sa kutilyon, ano yun? Nung sasayaw
na kami, biglang nag brownout!!! Kaya karaoke na di-batirya ang
ginamit namin, ok pala yung kutilyon, di pa sayawan e kota kana sa dami ng
naging kapareha mo po.
Nung 4th year ako, may CAT rin, lagi kaming naka maong at puting t-shirt.... Kami ang model group, martsa dito, doon tapos push-up then kain ng bananaque... Walang katapusang kilawa, kaliwa, kaliwa kanan kaliwa.... Tungtong balikat at tikas pahinga!!! Nakakatuwa lalo na nung minsan may naparusahan, dahil walang sinturon? anong koneksyon nun??? High school life o my high school life......... Graduation na po... Medyo malungkot, kasi makikita mo yung mga guro mo na nagtyaga sayo, yung mga sikyo na walang ginawa kundi sitahin ka at pumito na parang walang pagkaubos ang hangin sa tyan. Yung mga kaklase ko na hindi ko halos makilala dahil sa kapal ng pintura sa mukha at yung mga magulang na iyak ng iyak dahil sa wakas, nakatapos na ang mga anak nila.... Madaking sabihin na nakatapos ka, pero sa mga magulang pala,ito na ang isa sa pinaka mahalagang nagawa nila sa kanilang mga anak... Yung diplomang ibinigay, iningatan ko pa, yung pala papel lang yun!!! May award din pala ako, top 10 ako ng NSAT, galing ko no? Ang hayskul? Pinakamasaya, makulay at puno ng sana, ang gusto ko at paano kung? Mga kalokohang di mo alam kung bakit mo ginawa? Hirap mawala yun sa ala-ala mo. |